Thursday, February 26, 2015

Ang Babae.


 1. Kapag nagsasalita ng seryoso, pakinggan mo. Ayaw nila ng di ka nakikinig o binabalewala kapag sila ay nagsasalita. Gusto nila nakabantay at nakikinig ka.

 2.Sumasaya kapag nagbibigay ka. Di kelangan ng malaking halaga para matuwa sila. Maalala mo lang sila bilhan ng Cloud 9 kahit walang okasyon, masaya na yan. Yung pagiging thoughtful mo palang malaking saya na yan sa kanila.

3. Tinatandaan mga sinasabi mo. Kapag sinabihan mo silang pangit kahit biro, tinatandaan nila yan. Bawat salitang binibitawan mo na kumuha ng atensyon nila tumatak sa puso ng mga babae ng di mo nalalaman.

4. Sinungaling/baliktad sa sarili. Madalas pag ang babae nagsabi ng oo, hindi ibig sabihin nyan. Ang "ok lang ako" malamang di ok yan. Ang ayaw, gusto. Pag sinabi nyang umalis kana, wag ka aalis. Pag sinabi nyang di sya nagseselos, sa loob loob nyan nginangatngat ng selos.

5. Gusto sinusuyo. Kunting lambing lang kelangan ng babae para maging ok na kayo ulit. Pag sinusuyo kasi pakiramdam ng mga babae importante sya sayo at may pakialam ka sa nararamdaman nya.

6. Gusto laging niyayakap. Pakiramdam kasi nila secure sila pag yakap mo.Walang pwedeng manakit sa kanila dahil nandyan ka para protektahan sila.

7. Pag nagsabi ng I LOVE YOU, seryoso. Pag ang babae sinabihan ka ng i love you, seryoso yan. Pag di mo pinansin o sinagot, sigurado masasaktan sila.

8. Gustong pinaparamdam mong pinagmamalaki mo siya. Di man nila sinasabi pero gusto ng mga babae na pinagmamalaki mo sila. Pinapakilala sa mga magulang mo o kaibigan.

 9. Numero unong selosa at mahilig magsupetsa.  Pag ang babae nagseselos, matuwa ka kasi ibig sabihin nun mahal ka. Nagsususpetsa? kasi ayaw niya mapunta ka sa iba. Gusto nya sa kanya lang. 

 10. Madaling maapektuhan ng sabi-sabi. Madalas mapapaaway ka dahil dito, pero kahit ano pa yan narinig nya, sayo padin yan maniniwala. Lalo na pag sobrang mahal ka.

11. Madalas "conscious" sa sarili. Ayaw kasi nila na pangit sila sa harap ng mga tao. Lalo na sa taong mahal nila. Kaya wag ka magtaka kung laman ng C.R. ang mga babae.

12. Kelangan lumamig muna bago ka mag sorry. Kapag nag sorry ka ng mainit ang ulo nya di ka nyan papakinggan. Madalas lalala lang ang away. Palamigin mo muna bago ka mag sorry.

13. Madalas iyakin. Mas nalalabas kasi ng babae ang sama ng loob nya kapag umiyak sya. Kaya pag ang babae tumulo luha nyan, sigurado nasaktan ng husto yan.

14. Kapag gusto ka, inaalam lahat tungkol sayo. Ultimo kaliit liitang detalye sa buhay mo basta konektado sayo aalamin nya at magiging interesado yan.

15. Possible madaming hinahangaan, pero pag nagmahal 1 lang. Maririnig o malalaman mo madami siyang hinahangaang lalaki pero sa puso nya isa ka lang. Maaring may partikular na bagay lang syang nagustuhan sa isa o ibang lalaki, pero sayo, lahat di nya lang gusto MAHAL pa nya.

16. Masaya kapag laging kasama taong mahal nila. Lalo na kapag kayo lang dalawa. Madalas di namamalayan ang oras. Hihiling pa na sana eextend pa yung oras makasama ka lang. Di magsasawa o mababagot kasama ka.

17. Di madaling makapag move on. Pag ang babae kasi nagmahal, madalas totoo. Kaya pag nasaktan, sobra. Kaya inaabot ng taon para mag move on. Once na nasaktan ang isang babae, sa susunod mahihirapan na syang magtiwala ulit.

18. Pag tahimik, may problema.  Kapag nasasaktan, tumatahimik. Di sila sanay mag open up ng problema, pero pag tumahimik ibig sabihin pansinin mo pananahimik nya.

19. Gustong laging pinaparamdam na mahal sila ng taong mahal din nila. Simpleng bagay na madalas di kayang ipakita. Kapag hinahalikan sila sa noo sa harap ng madaming tao. Nakakataggap ng love letter galing sa taong mahal nila. Corny pero deep inside kinikilig.

20. Madalas di nagsasabi ng kanilang nararamdaman.  Gusto kasi nila ipakita mong interesado ka na malaman yung nararamdaman nila. Kung gusto mo talaga malaman tingnan mo yung hints na pinapakita nya.

21. Mahilig sa "tawagan".  Kapag merun kayo nun, mas gusto nya na ganun tawag mo sa kanya kesa totoong pangalan nya. Pakiramdam nya kasi mas mahalaga yung dating nya sayo.

22. Sentimentalist. Once may binigay sya sayo  kahit di mo madalas gamitin o maliit na bagay lang, matutuwa yan kapag nakita nyang pinahalagahan mo, ginamit  mo o suot mo.

23.  Pag pinagluto ka, malamang seryoso sayo. Effort nya pa lang ipaghanda ka ng makakain alam mo na.








Isa sa mga nilalang sa mundo na may malambot na puso. Ginawa para maging karamay at kaagapay ng mga lalaki. Di para saktan o paglaruan. Maaarte, mabunganga, selosa at kung anu anu pa.
Mahirap intindihin pero masarap magmahal, maalaga, madali
magpatawad, higit sa lahat maalalahanin.Yan ang BABAE.



-bear